Thursday, November 21, 2019

PAGSUSURI SA MITO NG MGA TAGA KENYA SA LIONGO

I . PAMAGAT :
  Mitolohiyang Liongo
II. SUMULAT :
 Roderic P. Urgelles
III. TAGPUAN :
Bansang kenya , Silangang Africa
•Baybaying dagat ng kenya , Watwa             
IV. TAUHAN : 
A. Liongo
 - pinakamahusay na makata
 - malakas at mataas tulad ng                                        isang higante.
B.•Mbwasho - ina ni liongo
    •Haring Ahmad - kauna-unahang namuno ng Islam
V. BUOD :
          Mayroong isinilang sa isa sa pitong bayang nasa baybaying dagat ng Kenya na nagngangalang Liongo. Siya ang nagmamay-ari ng karangalan bilang pinakamahusay na makata sa kanilang lugar. Malakas at mataas din siya tulad ng isang higante, na hindi nasususgatan ng ano mang armas. Ang tanging kahinaan ni Liongo ay ang karayom, kung siya'y tatamaan ng karayom sa kaniyang pusod ay kaagad siyang mamatay. Tanging ang kanyang ina na si Mbwasho at si Liongo ang nakakaalam nito. Mayroon siyang tatlong pinamumunuan. Hari siya ng Ozi at Ungwana sa Tana Delta, at Shanga sa Faza o Isla ng Pate.
        Nagtagumpay siya sa pananakop ng trono ng Pate na unang pinamunuan ng kaniyang pinsang si Haring Ahmad, na kinilalang kauna-unanhang namuno ng Islam.Ang pagbabago ay naging mabilis mula sa Matrilinear ng pamamahala ng kababaihan tungo sa Patrilinear na pamamahala ng kalalakihan sa pagsasalin ng trono . Nais ni Haring Ahmad na mawala si Liongo kaya ikinadena at ikinulong siya nito. Si Haring Ahmad ay isang sakim na pinsan ni Liongo, nais niyang agawin kay Liongo ang trono nito sa pamumuno ng Pate. Habang nasa kulungan si Liongo ay nakaisip siya ng isang pagpupuri. Habang ang parirala nito ay inaawit ng mga nasa labas ng bilangguan, bigla siyang nakawala sa pagkaka-kadena nito at nakatakas na hindi nakikita ng bantay. Tumakas siya at nanirahan sa Watwa kasama ang mga taong naninirahan sa kagubatan. Nagsanay siya na humawak ng busog at palaso na kinalaunan ay nanalo sa paligsahan ng pagpana. Ito pala'y pakana ni Haring Ahmad upang siya'y madakip at kalaunan ay muli rin syang nakatakas. Ilang araw ang lumipas ay binigyan ni Haring Ahmad si Liongo na isang babae para pakasalanan ito. Nagkaroon sila ng anak at lumaon ay tinraydor siya ng kanyang anak na lalaki at pinatay siya nito.

VI. ARAL : Huwag tayo basta-basta magtitiwala sa taong paulit-ulit tayong tinatraydor. Huwag din tayong susuko sa mga problemang dumadating sa atin . Palakasin natin ang ating loob sa bawat oras.

VII. KUNG IKAW AY ANG MAGBIBIGAY NG KAKAIBANG TWIST SA MITO, PAANO MO ITO BIBIGYAN NG KAKAIBANG TWIST? IPALIWANAG AT MAGBIGAY NG HALIMBAWA.
    - Kung ako ang magbibigay ng kakaibang twist sa mito, kung ako si Liongo ay hindi ko tatanggapin ang binibigay ni Haring Ahmad na babae sapagkat ilang beses nang niloko ni Haring ahmad si Liongo. 
    -  Bilang si Liongo, kakausapin ko si Haring Ahmad na itigil na ang kasamaang binabalak niya sakin , kakausapin ko siya ng maayos at sasabihing sabay nalang nila pamunuan ang Isla ng Pate. Sa ganoon ay magkakasundo silang dalawa.
          

No comments:

Post a Comment